-- Advertisements --

Tuloy na ang inaabangang laban sa Nobyembre 14, 2025, sa State Farm Arena sa Atlanta, Georgia, kung saan magtatapat ang social media star-turned-boxer na si Jake Paul laban sa undefeated lightweight champion na si Gervonta “Tank” Davis.

Ang laban ay inaasahang lalo pang maglalapit sa sports at streaming entertainment.

Si Jake Paul, dating YouTuber na ngayo’y may record na 12 panalo, 1 talo, at 7 knockouts, ay kasalukuyang nasa WBA cruiserweight rankings.

Kilala siya sa paghamon sa mga dating MMA fighters at sa kaniyang kakayahang magdala ng hype sa bawat laban.

Samantala, si Gervonta Davis ay isang tunay na boxer sa lightweight division, may record na 30 panalo, walang talo, 1 draw, at 28 knockouts.

Siya ay kilala sa kanyang bilis, lakas, at matinding knockout power.

Ngunit ang tanong ng marami ay paano magtatapat ang isang cruiserweight na nasa halos 200 lbs laban sa isang lightweight na nasa 135 lbs lamang.

Pero bagamat kumpirmado na ang laban, hindi pa inilalabas ang contracted weight o ang bilang ng rounds.

Ayon sa mga insider, posibleng magkaroon ng catchweight agreement o exhibition-style rules upang mapantayan ang agwat sa timbang.

Gayunpaman, sinabi ng mga promoter na ito ay isang “real fight” at hindi exhibition, kaya inaasahang magiging competetive ang laban.