Tinuldukan ni Anthony Joshua ang kanilang boxing match sa pamamagitan ng knockout sa ika-anim na round, matapos pabagsakin nang tuluyan si Jake Paul sa Kaseya Center sa Miami, Florida.
Sa kabuuan ng laban, apat na beses na bumagsak si Paul bago siya tuluyang napuruhan ng malakas na kanang suntok ni Joshua na nagpatigil sa sagupaan.
Bagama’t sinubukan ni Paul na umiwas gamit ang lateral movement, unti-unti siyang napuruhan ng kaliwang suntok ni Joshua sa ika-limang round na nagbukas ng pagkakataon para sa knockout.
Ang panalo ay muling nagpatunay sa lakas at karanasan ni Joshua bilang dating two-time unified heavyweight champion na may rekord na 29 panalo at 4 na talo.
Samantala, si Paul, na dating social media star na pumasok sa professional boxing noong 2018, ay nakaranas ng pinakamabigat na pagkatalo sa kanyang karera.















