-- Advertisements --
Handang itaya lahat ni Jake Paul para manalo sa laban niya kay Anthony Joshua.
Sa ginawang face-off ng dalawa ay makikitang mas matangkad ang 6-foot-6 na si Joshua kontra kay Paul na mayroong 6-foot-1 lamang.
Sinabi ni Paul na iiwasan niya ang isang suntok na magpapatulog sa kaniya sa loob ng walong rounds.
Si Joshua ay mayroong record na 28 panalo ,apat na talo na may 25 knockouts habang si Paul ay mayroong 12 panalo isang talo at pitong knockouts.
Gaganapin ang laban ng dalawa sa darating na Disyembre 19 sa Miami.
















