-- Advertisements --
Nagtamo ng sugat sa katawan si British boxer Anthony Joshua matapos na masangkot sa aksidente sa Nigeria.
Nagresulta rin ang aksidente sa pagkasawi ng dalawang biktima na nangyari sa Ogun State, Nigeria.
Base sa imbestigasyon na naganap ang aksidente sa Lagos-Ibadan expressway.
Walang gaanong matinding pinsala ang natamo ni Joshua subalit ang dalawang sakay nito kabilang ang driver nito ay nasawi.
Si Joshua ay mayroong magulang na Nigerian sa Watford malapit sa London.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.














