-- Advertisements --
Patay ang apat na katao habang lima ang sugatan matapos ang pagbangga ng jeep at dump truck sa Luna, Isabela.
Ang pampasaherong jeep ay may sakay na 11 pasahero kung saan labis ito ng nasira dahil sa lakas ng banggaan.
Sa inisyal na imbestigasyon, mabilis umano ang pagtakbo ng jeep ng ito ay bumangga sa papalikong dump truck.
Nawalan din umano ng kontrol ang dumptruck dahil sa basa ang kalsada kaya ito bumangga sa kasalubong ng jeep.
Dahil sa insidente ay limang katao rin ang nasugatan sa nasabing aksidente.
Ipinag-utos na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang regional office sa Cagayan Valley na magbigay ng tulong sa mga biktima at magsagawa rin ng imbestigasyon.
















