-- Advertisements --

Nakatakdang labana ni YouTube star Jake Paul si British boxer Anthony Joshua.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Disyembre 18 sa Kaseya Center sa Miami.

Si Joshua ay mayroong 28 panalo at apat na talo na may 25 knockouts.

Ilan sa mga panalong laban niya ay kina Francis Ngannou, Otto Wallin, Robert Helenius, at Jermain Franklin.

Subalit ang huling laban niya ay nabigo siya sa kamay ni Daniel Dubois kung saan nakataya ang IBF heavyweight title.