-- Advertisements --

Nahaharap sa kaso ang Hollywood actor na si Tyrese Gibson dahil sa pananakit sa hayop.

Hindi kasi ito tumugon sa imbitasyon ng mga kapulisan ng Georgia kaya naglabas sila ng warrant of arrest.

Ang kaso ay may kinalaman sa pagkakawala ng aso nito na nakapatay ng aso ng kapitbahay niya.

Sinabi ni Fulton County Police Captain Nicole Dwyer na nais nilang ipatupad ang kaligtasan ng komunidad dahil baka sa susunod ay bata na ang mapapatay ng nasabing aso.

Ipinatawag nila ang actor para ikustodiya nila ang nasabing aso.