-- Advertisements --

Ibinasura ng Georgia prosecutor ang 2020 electioin-interference case laban kay US President Donald Trump.

Naghain ng mosyon si Pete Skandalakis para tuluyang ibasura ang kaso laban kay Trump at iba pa na nagtangkang baligtarin ang resulta ng 2020 presidential election kung saan nagwagi noon si President Joe Biden.

Ito na ang pinakahuling natitirang criminal legal case laban kay Trump mula noong 2020 election.

Unang inilabas ito ni district attorney Fani Willis subalit siya ay tinanggal mula sa kaso ng supreme court dahil sa personal scandal.

Tinanggal din si Willis mula sa kaso matapos na mapatunayan ng korte na mayroong romantikong relasyon ito sa special prosecutor na nakatalaga sa kaso.

Si Skandalakis ay executive director of the nonpartisan agency Prosecuting Attorneys’ Council of Georgia na itinalaga ang sarili para sa kaso matapos ang pagkakatanggal kay Willis.