Father Giuseppe Berardelli
Father Giuseppe Berardelli

Patay ang isang Italian na pari matapos dapuan ng coronavirus.

Nalagutan na ng hininga sa isang pagamutan sa Lovere, Bergamo ang 72-anyos na si Father Giuseppe Berardelli.

Posibleng nahawaan ito ng ibigay niya ang respirator sa isang batang pasyente na nadapuan ng virus.

Ang Bergamo kasi ay isa sa pinakamatinding natamaan ng COVID-19 sa Italy.

Aabot naman sa 50 pari sa Italy ang namatay matapos dapuan ng virus.