-- Advertisements --

Nabigo ang womens doubles sa pagitan nina Pinay tennis star Alex Eala at Coco Gauff ng US sa quarterfinals ng Italian Open.

Tinalo sila ng defending champions na sina Sara Errani at Jasmine Paolini ng Italy sa score na 7-5, 3-6, 10-7.

Sa unang set ay hawak ni Eala at Gauff ang kalamangan hanggang tuluyan silang talunin ng Italian tennis players.

Ito ang unang pagkakataon na nagsama sina Eala at Gauff sa doubles.

Magugunitang nagpadala lamang ng mensahe si Eala kay Gauff kung saan nagbakasakali na kung maaari ay makasama nito sa doubles at laking tuwa niya ng hindi nga siya binigo nito.

Bago rito ay maagang nabigo sa unang round ng torneo si Eala laban kay Mart Kostyuk habang si Gauff ay maglalaro pa rin sa semifinals ng womens’ singles.