-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng Wimbledon si tennis star Novak Djokovic.

Tinalo ng Serbian tennis star si Alex de Minaur sa score na 1-6, 6-4, 6-4, 6-4 .

Sa unang set ay nakuha ng Australian 11th seed ang panalo hanggang magkakasunod na nakuha ni Djokovic ang momentum sa laro na nagtagal ng tatlong oras.

Matapos ang panalo ay sumayaw pa ito habang sinasabayan ng anak nitong si Stefan.

Susunod na makakaharap nito ay si Flavio Cobolli ng Italy.