Kinumpirma ni US President Donald Trump na tuloy na ang negosasyon para sa ceasefire deal sa pagitan ng Ukraine at Russia, kasunod ng pag-uusap niya kay Russian President Vladimir Putin.
‘Russia and Ukraine will immediately start negotiations toward a Ceasefire and, more importantly, an END to the War,’ ani Trump.
Ayon kay Trump, may ilang progreso na sa usapin ng kapayapaan, at inabisuhan na niya ang mga lider ng Ukraine, European Union, France, Germany, Italy, at Finland.
Gayunman, ayon sa Kremlin, matagal pa ang proseso at wala pang konkretong petsa ng tigil-putukan.
Tumanggi rin si Trump sa pagpataw ng bagong sanctions sa Russia, dahil baka lalo lang lumala umano ang tensyon.
‘Well because I think there’s a chance of getting something done, and if you do that, you can also make it much worse. But there could be a time where that’s going to happen,’ dagdag ni Trump matapos matanong ng media kung bakit hindi nito pinapatawan ng sanction ang Russia.
Pinuri naman ni Putin ang panawagan ni Trump para sa direktang usapan, habang si Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ay nagpahayag ng kahandaang makipag-usap sa Russia sa anumang format na magdadala ng resulta sa rehiyon.
‘Ukraine is ready for direct negotiations with Russia in any format that brings results,’ pahayag ni Zelenskiy sa kanyang social media.
Ilan sa mga posibleng lugar para sa susunod na pagpupulong ng ceasefire deal ay ang Vatican, Turkey, at Switzerland.