-- Advertisements --
Nasira ng isang bisita ng museum ang 18th century na oil painting sa Florence, Italy.
Ayon sa Uffizi Gallery, na bigla na lamang napasandal ang isang bisita habang nagse-selfie sa likod ng painting ni Ferdinando de’ Medici ang Grand Prince ng Tuscany na gawa ni Anton Domenico Gabbani.
Bagamat maari pa ring maayos ang nasabing sira subalit nagpasya si museum director Simone Verde na pagbawalan ang nakasirang bisita.
Sa nasabing museum ay talamak ang pagpapase-selfie ng mga bisita kaya maghihigpit na sila.