-- Advertisements --

Pumanaw na si dating AC Milan at Italy defender Franco Baresi sa edad na 66.

Kinumpirma ng kaniyang dating football club ang pagpanaw ng footballer.

Isa kasi si Baresi sa pinakakilalang manlalaro sa kasagsagan ng kasikatan ng soccer sa Italy noong taong 1980 at 1990.

Noong nakaraang taon ay sinabi ni Baresi na siyang nagsisilbing honorary vice president ng kaniyang dating koponan na ito ay sasailalim sa operasyon para tanggalin ang pulmonary nodule at at hinikayat na magpagaling mula sa cancer specialist.

Noong pebrero ay naging torchbearers sa Olympic flane ng opening ceremony ng Milan Cortina Winter Games kasama niya doon si dating Inter Milan at Italy defender Giuseppe Bergomi ang kaniyang matagal na karibal sa pitch.

Itinuturing siyang bilang AC Milan icon kung saan naglaro ito sa kaniyang buong 20-taon na soccer career.

Nagwagi ito ng anim na Series A titles at tatlong top European trophies.

Naging captain din ito ng koponan sa 15 season bago tuluyang magretiro noong taong 1997.

Matapos ang kaniyang career ay niretiro ng Milan ang kaniyang number six na damit at siya ang unang manlalaro ng kasaysayan ng club na makatanggap ng parangal.