Magpapadala ang Italy ng mga barkong pandigma upang tiyakin ang ligtas na pagdaan ng kaniyang mga commercial vessel sa Bab al-Mandeb strait sa halip na maghintay sa kolektibong desisyon ng European Union.
Inihayag ni Italian Defence Minister Guido Crosetto na may sapat na kakayahan ang kanilang bansa na protektahan ang naturang daanan at nagbabala na magiging matindi ang epekto sa ekonomiya kapag lubusang nabara ang shipping corridor.
Paliwanag ni Crosetto, hindi dapat hayaan ng Rome na mapalala pa ng mga bureaucratic delay sa paggawa ng desisyon ang lalong nagiging komplikadong sitwasyon sa rehiyon.
Naging mas kritikal ang Bab al-Mandeb strait—na humahawak sa 12 hanggang 15 porsyento ng pandaigdigang kalakalan—matapos kontrolin ng Iran ang Strait of Hormuz sa gitna ng digmaan nito laban sa United States at Israel na nagtulak sa mga bansa tulad ng Saudi Arabia na gamitin ang Red Sea bilang alternatibong ruta ng langis.
Lalo pang tumindi ang banta sa seguridad sa lalawigan matapos makuha ng Iran-backed Houthi movement ang kontrol sa buong kanlurang baybayin ng Yemen at mga karatig na isla na nagbibigay sa kanila ng direktang access upang mang-atake ng mga pandaigdigang barko.
















