Ipinag-utos ni Italy Culture Minister Allesandro Giuli na pahabain ang araw ng pagsasara ng ng tanyag na Colosseum sa Italy, upang bigyang respeto ang nasawing empleyado.
Napag-alaman na nahulog ang 22-anyos na technician matapos mahulog ng aabot sa sampung metro habang nagkakabit ng bagong lighting system sa loob ng ancient Roman arena.
Ayon pa sa Italian Culture Minister, ikinagulat nila at hindi rin makapaniwala matapos ang pangyayari. Mananatiling nakasara ang bahagi ng second tier ng Colosseum Archaeological Park kung saan nangyari ang insidente upang bigyang daan ang pagluluksa.
Kilala bilang sikat na tourist attraction at pinakamakalaking amphitheater sa Roman Empire ang Colosseum. Tinatayang 2,000 taon na ang nakakaraan nang maitayo ang Colosseum na pinagdadausan ng gladiator fights, execution at animal hunt.
















