-- Advertisements --
Naging makasaysayan ang panalo ng Gilas Pilipinas Women sa FIBA 3×3 Women’s World Cup.
Kasunod ito sa pagkapanalo nila laban sa World Number 11 na Italy 17-13 sa laro na ginanap sa Warsaw, Poland.
Una ng nalaglag na sa torneo ang Gilas Women matapos na talunin sila ng China.
Nanguna sa panalo ng Gilas Women si Camille Clarin na nagtala ng walong puntos, dalawang rebounds habang mayroong apat na puntos at dalawang rebounds si Afril Bernardino.
Natapos na ang kanilang kampanya na mayroong isang panalo at tatlong tatlo kung saan nasa pang-apat na puwesto sila sa Pool C ng torneo.















