-- Advertisements --

Plano ng Italy na makapag-recruit ng libu-libong Filipino nurses upang tugunan ang healthcare gap, ayon sa Philippine Embassy in Rome.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Rome Neal Imperial na nakausap na niya si Italian Health Minister Orazio Schillaci ukol sa naturang plano.

Napag-usapan ng dalawa ang pagpapalawak pa sa relasyon para sa healthcare workforce mobility kung saan kukuha ang Italy ng Filipino nurses para magtrabaho sa medical at health sector ng naturang bansa.

Sa ngayon ay nahaharap ang Italy ng shortage ng mga narse mula 15,000 hanggang 20,000, at nais ng naturang bansa na tugunan ito sa tulong ng mga ‘highly qualified healthcare professionals’.

Ayon kay Amb. Imperial, batid na ng Italy ang competence at propesyunalismo ng Filipino nurses, at ang kalidad ng kanilang trabaho.

Ang plano ng Italy na pagkuha ng libu-libong narse aniya, ay pagkilala sa magandang imahe at trabaho ng Filipino nurses na nagtatrabaho sa iba’t-ibang bahagi ng buong mundo. (Report by Bombo Jai)