Bahareh Zare Bahari
Bahareh Zare Bahari

Humihingi nang hustisya ang dating beauty queen ng Iran noong 2018 Miss Intercontinental na si Bahareh Zare Bahari matapos na ito ay ikinustodiya ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon sa 21-anyos na beauty queen, tiyak na siya ay papatayin pagbalik niya sa Iran dahil sa mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang bansa ang pagsali sa mga pageant.

Giit pa nito, imbento lamang ang kaso laban sa kaniya.

Si Bahari ay nag-aaral ng dentistry sa Pilipinas subalit ito ay hinuli ng immigration dahil sa kaso umanong pananakit na mariin naman nitong itinatanggi.

Sinabi naman ni Justice Underscretary Markk Perete na tinawagan ng Interpol ang BI dahil sa kasong kinakaharap umano ni Bahari.

Hindi rin aniya ito maibabalik kaagad sa Iran dahil nag-apply siya ng asylum.