-- Advertisements --

Pumalo na sa 256,000 na mga Afghans ang lumikas palabas ng Iran nitong Hunyo.

Ayon sa United Nations International Organization for Migration (IOM) na nagtala sila ng 28,000 na mga Afghans ang umalis sa loob ng isang araw noong Hunyo.

Ang nasabing paglikas ay matapos na magpalabas ng kautusan ng Iran na lahat ng mga undocumented Afghans ay dapat umalis na sa bansa ng hanggang Hulyo 6.

Base sa kanilang listahan na mula pa noong Enero ay nasa mahigit 700,000 Afghans na ang umalis na sa Iran.

Mas tumaas ang bilang ng mga lumikas noong nagsimula ang labanan sa pagitan ng Israel at Iran kung saan may ilang Afghans ang inaresto dahil umano sa pang-iispiya.