Inihayag ni DPWH Undersecretary Arthur Bisnar na kailangang simulan muli ang inspeksiyon sa mga flood control projects mula 2016 hanggang 2025 dahil sa umano’y maling grid coordinates na ginamit sa validation.
Ayon sa DPWH, 10,238 flood control projects na ang na-inspeksiyon ng AFP at PNP, kung saan 252 ang idineklarang non-existent o “ghost.” Dapat umanong balikan ang mga ito sa muling validation.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon chair Panfilo “Ping” Lacson na nakatanggap siya ng ulat na maling coordinates ang isinumite noon ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa Malacañang para sa Sumbong sa Pangulo website.
Paliwanag ng DPWH sa hearing, iba ang coordinates na ipinasa sa Office of the President kumpara sa coordinates na nasa project contracts. (report by Bombo Jai)
















