-- Advertisements --
Naniniwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maglalaro lamang mula 1.3 hanggang 2.1 percent ang inflation nitong buwan ng Abril.
Ilan sa mga nakikita nilang dahilan nito ay ang pagbaba ng presyo ng langis, isda, bigas at mga gulay.
Ang dahilan naman kaya tumaas ang inflation ay ang pagtaas ng singil sa kuryente ganun din ang taas pasahe sa LRT-1.
Magugunitang nitong Marso ay nagtala ng 1.8 percent na inflation na mas mababa sa 2.1 percent noong Pebrero at 3.8 percent noong Enero.
Sa Mayo 6 pa iaanunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang inflation rate sa buwan ng Abril.