Natupok ng apoy ang ilang mga kabahayan sa residential area ng Brgy. Novaliches Proper sa lungsod ng Quezon City.

-- Advertisement --

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) halos dalawang oras bago tuluyang naapula ang nasabing sunog sa Sarmiento Street nitong Linggo ng gabi.

Natamaan sa nasabing lugar ang mga bahay ng mga informal settlers sa nasabing lugar.

Itinaas pa sa ikatlong alarma ang nasabing sunog.

Bahagyang nahirapan ang BFP dahil sa makipot na kalsada sa nasabing lugar.

Nagtulong-tulong naman ang ilang mga residente para tuluyang maapula ang nasabing sunog.

Nagpalipas ng magdamag sa mga covered court ang mga naapektuhang residente.

Habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP sa nasabing sanhi ng sunog.