-- Advertisements --

Ibinunyag ni special envoy to the Middle East Roy Cimatu na may mga Iraqi employer ang humihingi ng P500,000 para payagang makaalis ang mga empleyado nilang Filipino.

Sinabi nito na may mga recruiters ang nakatanggap aniya mula sa Iraqi employers ng aabot sa $10,000 o katumbas ng P500,000 at kung sakaling boluntaryong uuwi ang OFW ay dapat na ibalik sa kanila ang ibinayad sa recruiter.

Sa kasalukuyan aniya ay mayroon ng 13 mga Filipinos mula sa Iraq ang naibalik sa bansa kung saan siyam dito ay mula sa Baghdad habang apat dito ay mula sa Erbil.

Sa tulong aniya ng mga Iraqi Embassy ay nakauwi na rin ang mga Filipino.

Magugunitang nagpatupad ng mandatory repatriation ang gobyerno ng Pilipinas dahil sa tumitinding kaguluhan sa Iraq.