-- Advertisements --
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga kinauukulan ang mas malalimang imbestigasyon kaugnay sa diumanoy pagkamatay ng mga sabungero na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ang mga katawan.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro nais malaman ng Pangulo kung sino ba talaga ang sangkot dito upang mapanagot at mabigyan ng hustisya ang mga biktima at kanilang mga pamilya.
Sa ngayon kasi gumugulong na ang imbestigasyon sa nasabing kaso kaya mas maigi na hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon na isinasagawa ng Department of Justice.
Nanindigan naman si Castro na naniniwala ang Malakanyang sa integreridad ng korte at ang kasong ito ay mari resolba nang naaayon sa batas o rule of law.