Lumipat na sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang mga dating coach ng PBA.

Napili si nine-time PBA champion Jong Uichico na maging coach ng Bataan Risers.

Papalitan nito ang coach ng koponan na dating PBA player din na si Jojo Lastimosa matapos na bigong makapasok sa semifinals.

Ayon kay Uichico na nais niyang subukan ang bagong liga.

Huling naging coach ito sa Talk N’ Text noong 2016.

Magiging coach naman ng Pampanga Lanterns si Bong Ramos at si dating PBA coach Chris Gavina ay magiging coach ng Bacoor Striker.