-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Samar nitong Sabado ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa pinakahuling bulletin nito, sinabi ng Phivolcs, naganap ang pagyanig alas-7:52 ng gabi.
Ang sentro ng lindol ay matatagpuan 7 kilometers northeast ng San Jose De Buan, Samar, na may lalim na 20 kilometers.
Walang inaasahang aftershocks at pinsala sa mga ari-arian mula sa lindol.