-- Advertisements --
Iinuturing ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na sila ay pinagpala dahil sa pagsuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ng contractor na si Sarah Discaya at ang pag-kansela ng pasaporte ni dating Ako-Bicol partylist representatives Zaldy Co.
Sinabi ni ICI chair Andres Reyes Jr, na nagapakita lamang na nagbubunga na ang kanilang paghihirap sa mga isinagawang imbestigasyon sa anomalya ng flood control.
Magugunitang sumuko sa NBI si Discaya matapos ianunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na malapit na ang paglabas ng warrant of arrest ng mga sangkot sa anomalya ng flood control project.
Habang inanunsiyo rin ng Pangulo na kanselado na ang pasaporte ni Zaldy Co matapos ang ilang buwang pagtatago nito.
















