Leadsom
Leadsom/ Twitter photo

Nagbitiw na ang isa sa pinakamataas na cabinet minister ni British Prime Minister Theresa May dahil sa pagkontra sa isinusulong nitong Brexit deal.

Si Andrea Leadsom ang namumuno ng House of Commons at kilallang Brexiteer ay naghain ng kaniyang resignation kay May dahil sa pagkontra nito sa pinakabagong Brexit bill.

Nakasaad sa nasabing resignation letter ay ang hindi na nito pagiging komportable sa isinusulong ng Prime Minister.

Naniniwala din ito na walang maidudulot na kabutihan ang isinusulong na Brexit ni May.

Labis naman ang panghihinayang ni May dahil itinaon pa naman nito ang pagbibitiw sa kung saan nakatakdang ipasa na nito ang pang-apat na Brexit deal.