-- Advertisements --
Pumanaw na ang guitarist at songwriter ng bandang Mott The Hoople na si Mick Ralphs sa edad na 81.
Kinumpirma ito ng banda kung saan hindi na binanggit pa ang dahilan ng kamatayan nito.
Kabilang si Ralphs na bumuo ng banda noong 1969 subalit pagkatapos ng apat na taon ay umalis siya at lumipat sa grupong Bad Company.
Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “All The Young Dudes” na sinulat ni David Bowie kung saan umabot ito ng number 3 sa United Kingdom singles charts.
Huling nagtanghal si Ralphs sa Bad Company ay noong Oktubre 2016 kung saan siya ay na-stroke matapos ng ilang buwan.