-- Advertisements --

Nakansela ang unang bahagi ng United Kingdom concert tour ng rock star na si Marilyn Manson.

Ito ay matapos ang pressure mula sa campaingers at ng members of Parliaments.

Nakatakda sana sa Oktubre 29 ang kick off ng kaniyang ” One Assassination Under God Tour” sa Brighton Center.

Nitong Enero kasi ay nais ng mga prosecutors sa US na magsampa ng kaso laban kay Manson o Brian Warner sa tunay na buhay dahil sa umanoy sexual assault at domestic violence.

Sinabi ni Los Angeles County District Attorney Nathan Hochman na masyado ng luma ang nasabing reklamo na nagsimula pa noong 2009 laban sa 56-anyos na singer.

Noong nakaraang mga linggo ay naglabas ng open letter si Brighton and Hove City Council, Sian Berry na dapat ay makansela na ang konsiyerto dahil sa nasabing kaso.

Mariing itinatanggi naman ng singer ang nasabing mga alegasyon laban sa kaniya.