-- Advertisements --
Nagpahayag ang Iran ng anumang diplomasya kapag tuluyan ng natigil ang pag-atake sa kanila.
Ayon kay Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na ang kanilang nuclear program ay mahigpit na binabantayan ng International Atomic Energy Agency (IAEA).
Ang ginawang pag-atake ng Israel sa kanilang pasilidad ay isang seryosong krimen at paglabag ito sa international law.
Napaabot din ito ng hinagpis sa bansang Germany, France at United Kingdom ganun din sa European Union dahil sa hindi nila kinondina ang pag-atake.
Tutugon lamang sila aniya sa diplomasya kapag mapanagot na ang Israel.
Pagtitiyak nito na hindi matatawaran ang defense capabalities ng Iran.