-- Advertisements --

Naibenta sa halagang $520,000 o katumbas ng mahigit P28-milyon ang floral dress ni Princess Diana.

Ayon sa Julien’s Auctions na ang nasabing damit ay makailang beses na nakita na suot ng dating Princess of Wales sa ilang mga okasyon mula 1988 hanggang 1992.

Kabilang na dito noong bumisita sa mga pagamutan ng mga bata at noong bumisita siya sa Spain at Nigeria.

Ang “caring dress” ay dinesenyo ni British salon Bellville Sassoon ng United Kingdom.

Kabilang sa mga nabili sa auction ay ang coat dress at cream silk evening gown na bawat isa ay nabili sa halagang $455,000.