-- Advertisements --

Napilitang ipahinto ni Beyonce ang kaniyang konsiyerto sa Houston matapos na tumagilid ang sinakyan nitong kotse sa ere.

Kabilang sa props ang kotse kung saan habang nakaupo ang singer sa ere ay bigla itong tumagilid.
Dahil sa pagkabigla ng 43-anyos na singer ay humingi na lamang ito ng tulong.

Nagawa pa nitong magbiro sa mga fans kung saan kapag ito ay nahulog ay tiyak na sasaluhin ito ng mga fans.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nakaranas ang singer ng props malfunctions dahil noong nagdaang concert niya ay namali ng buhos na inumin ang kinuhang robot.

Habang noong 2018 ay nasira ang moving platform sa stage kay napilitan itong gumamit ng hagdan.