Magnolia Hotshots
Magnolia HotShots/ PBA image

Napigilan ng Magnolia Hotshots ang Rain or Shine at makuha ang must-win game 3 sa kanilang PBA Philippine Cup Semifinals 85-74.

Naging matindi ang depensa ng Hotshots sa huling apat na minuto ng laro kung saan hindi nakapagtala ng 9-0 run para makuha unang panalo sa best of five semifinals.

-- Advertisement --

Kapwa nagtala ng 16 points sina Paul Lee at Ian Sangalang.

Sinabi ni Magnolia coach Chito Victolero na hindi pa rin sila kumpiyansa dahil lamang pa rin sa serye ang Painters 2-1.

Target ng koponan na maitabla sa 2-2 ang serye.