Hotshots
Hotshots/ File photo by PBA

Nakuha ng Magnolia Hotshots ang 2-1 na kalamangan sa PBA Philippine Cup Finals ng talunin ang San Miguel Beermen 86-82.

Bumida sa panalo ng Hotshots si Marc Barroca na nagtala ng 22 points habang mayroong 17 points at 15 rebounds naman si Ian Sangalang.

Hindi pa panatag ang loob ni Magnolia coach Chito Victolero dahil sa kalamangan nila sa serye at malayo pa ang target nila na makuha ang kampeonato.

Inaasahan na nito ang matinding laban sa susunod na laro dahil tiyak aniya nila na hindi papayag ang Beermen na malamangan sila.