May bago nang trabaho ngayon ang dating tagapagsalita ng Department of Education na si Atty. Michael Poa bilang spokesperson ng defense team ni VP Sara Duterte para impeachment trial nito.
Si Poa ay nagsilbi bilang Usec. at Spox ng DepEd sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara bilang kalihim ng kagawaran.
Mismong ang bise rin ang nagtalaga kay Poa ngayon bilang kanilang tagapagsalita na ginawa sa isang panayam sa mga kawani ng media sa lalawigan ng Pampanga.
Ayon sa bise, kung may mga katanungan hinggil sa kinakaharap nitong impeachment case ay mangyari lamang na itanong na lamang kay Poa.
Si Poa ay kabilang sa 16 na abogado na bumubuo sa legal team ng bise presidente .
Si Duterte ay nahaharap sa impeachment trial sa Senado dahil sa mga reklamong betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, graft and corruption, at iba pang mga akusasyon na ibinabato laban sa kanya.