-- Advertisements --

Sumasang-ayon na lamang si Vice President Sara Duterte sa nagiging pahayag at opinyon ng kaniyang mga kinuhang abogado para harapin ang impeachment complaints.

Ayon sa bise presidente, na kaya ito gumastos sa pagkuha ng abogado para sila ang bahala sa nasabing kaso.

Kahit aniya na gusto niyang maging madugo ang impeachment trial at kung hindi sang-ayon ang abogado nito ay yun din ang kaniyang susundin.

Tiniyak naman ito na handa ang kaniyang legal team sa pagharap sa impeachment trials.