-- Advertisements --

Iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakitaan ng pagbaba ang mga insidente ng focus crimes sa bansa sa unang kalahati ng 2025.

Sa isang statement, sinabi ni DILG Sec. Jonvic Remulla na nakapagtala ng “significant” na pagbaba sa mga insidente ng krimen tulad ng panghahalay, physical injuries at robbery mula Enero 1 hanggang Hunyo 6 ng kasalukuyang taon kumpara sa parehong period noong 2024.

Ayon sa kalihim, ang insidente ng rape ay bumaba sa 31.85%, physical injuries nasa 30.21 % ang ibinaba habang sa robbery naman ay nasa 26.47%.

Ang mga focus crimes ay itinutirung na mga seryosong paglabag na nangyayari madalas at direktang banta sa kaligtasan ng publiko.

Samantala, iniugnay naman ng kalihim ang pagbaba ng mga insidente ng krimen sa nagpapatuloy na kampaniya kontra kriminalidad kabilang ang crackdown sa loose firearms na nagresulta sa pagkakasamsam ng mahigit 12,000 mga iligal na uri ng baril at pagka-aresto ng mahigit 5,000 suspek kung saan karamihan sa kanila ay nililitis na ang kaso sa korte.