Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Govenrment (DILG) Secretary Jonvic Remulla na arestado na rin sina dating Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor at negosyanteng si Joseph Varias Espiritu, ang dalawa pang kapwa-akusado ni Senador Rodante Marcoleta sa kasong plunder.
Sa isang press conference, sinabi ni Remulla na natagpuan sina Defensor at Espiritu na nag-uusap sa isang coffee shop sa Quezon City.
Dito sila inaresto saka dinala sa Sandiganbayan para isauli ang warrant of arrest.
Matapos ito, ineskortan ang dalawa patungo sa tanggapan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para sa booking process.
Pagkatapos nito ay dadalhin sila sa Payatas jail.
Sa ngayon, tatlo na ang nasa kustodiya ng mga awtoridad kabilang si Senador Marcoleta na nauna nang kusang sumuko.
Ang isa pang kapwa akusado nila Marcoleta at kabilang sa inisyuhan ng Sandiganbayan ng warrant na si Aristotle Baluyut Viray ay nananatiling at large (as of this posting).
















