alyas bikoy advincula 1

Nilinaw ngayon ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi Office of the Solicitor General (OSG) ang magsisilbing abogado ni Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy.”

Ayon kay Guevarra, otorisado lamang ang OSG na mag-abogado para sa opisyal o tanggapan ng gobyerno para sa korte sa Pilipinas o maging sa ibang bansa.

Kaya naman, ang Philippine National Police (PNP) umano ang tutulungan ng SolGen para sa legal na tulong at hindi ang pribadong indibidwal.

Sa sitwasyon aniya ni Advincula, kung mangangailangan ito ng legal assistantance, nariyan naman ang Public Attorney’s Office (PAO) upang umalalay.