-- Advertisements --

Tinanggihan ng South Korean court nitong Miyerkules ang hiling ng special prosecutor na maglabas ng arrest warrant laban kay dating Pangulo Yoon Suk Yeol, kaugnay ng kanyang nabigong deklarasyon ng martial law.

Ayon sa prosecutor, si Yoon ay tumangging humarap sa imbestigasyon at nahaharap sa kasong obstruction at insurrection, na maaaring patawan ng habangbuhay o kamatayan. Giit ng kampo ni Yoon, politically motivated ang imbestigasyon, ngunit tiniyak nilang haharap siya sa susunod na pagdinig sa Sabado.

Naaresto si Yoon noong Enero ngunit pinalaya matapos ang 52 araw dahil sa teknikalidad. Itinanggi niyang may masamang layunin ang deklarasyon ng martial law, na aniya’y para balaan ang publiko sa banta ng oposisyon.

Samantala, inaprubahan ng korte ang pagpapalawig ng detensyon ng dating Defense Minister Kim Yong-hyun, na akusado rin sa pagpaplano ng martial law. (Report by Bombo Jai)