-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang kanyang interes para sa Ombudsman post.

Aniya’y magsusumite pa lamang siya ng aplikasyon sa darating o bago ang araw ng Biyernes sa Judicial and Bar Council (JBC).

Kung saan sinabi niyang marami siyang maihahain o maitutulong sa Ombudsman sakaling siya ang makaupo sa pwesto.

“I think that I have a lot to offer there,” ani Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Ito’y sa kabila ng reklamong kinakaharap niya sa Ombudsman na inihain ni Senator Imee Marcos kamakailan laban sa kanya at ilan pang matataas na opisyal.

Kaya’t ng matanong kung may ‘conflict’ ito, kanyang binigyang diin na ang JBC ay may kakayanan naman na ma-evaluate ito.

“Okay lang iyon, the JBC can always evaluate on it properly,” ani SOJ Remulla.

Dahil rito, kanyang inihayag ang kanyang mariing paniniwala na walang ‘conflict’ sa kanyang pagsusumite ng aplikasyon sa JBS para sa posisyon sa Ombudsman.