Pumanaw na ang kilalang televangelist sa US na si Jimmy Swaggart sa edad na 90.
Kinumpirma ito ng kaniyang Ministries kung saan pinasalamatan nila ang mga medical staff ng Baton Rouge General Medical Center sa Louisiana.
Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang kampo nito kung ano ang dahilan ng kamatayan niya.
Sa kaniyang kasikatan noong dekada 80 ay hindi bababa sa 200 milyon ang audience niya sa buong mundo.
Nasangkot ito sa iskandalo ng magkaroon ng relasyon sa isang prostitute kung saan inamin niya sa congregation niya na siya ay labis na nagkasala.
Hindi nagtapos sa pag-aaral si Swaggart kung saan nagtrabaho ito sa pagawaan ng bulak at naghakot ng mga grava para mabuhay.
Sa edad nitong 17 ay pinakasalan niya ang 15-anyos na si Frances Anderson kung saan nabiyayaan sil ang isang anak na si Donnie na sumunod din sa yapak ng ama.
Taong 1969 ng ito ay magsimula sa radio broadcast ng preaching program at noong 1973 ay mayroon itong television show na nagpapalabas ng kaniyang mga sermons.