-- Advertisements --

Binalaan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III ang mga police commanders nito na huwag magtago sa kanilang mga opisina.

Sinabi nto na dapat ang mga commanders ay laging nakikita sa komunidad.

Sa isinagawa nitong command conference, na dapat ay makita ng komunidad ang presensya ng mga commanding officers.

Ang mga wala sa labas at hindi nakakapagresponde ng limang minuto ay nangangahulugan na hindi nila ginagawa ng tama ang kanilang trabaho.

Inatasan din ni Torre ang PNP regional communications and electronics na tiyakin na ang mga radyo at ilang kagamitan ay naaalagaan para magamit.