Desidido ang Miami Heat na tapusin na ang kanilang Eastern Conference Finals nila ng Boston Celtics.

Ito ay matapos na hawak ng Heat ang 3-1 na kalamangan sa best of seven games.

Target din kasi ng Heat na maging unang koponan na nasa fifth place na makarating sa NBA Finals.

Base rin sa kasaysayan ay hindi pa rin natatalo ang Heat sa play-off series na may kalamangan sila ng 3-1.

Habang huling nakabangon naman sa 3-1 deficit ang Boston Celtics ay noong 1981 Eastern Finals ng talunin nila ang Philadelphia 76ers at tinalo ng Celtics ang Houston Rockets sa NBA Finals.