Panibagong P5.8 million na halaga ng droga ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Taguig City, kaninang madaling araw.

Sa ulat ng PDEA, apat na plastic bags ng ecstasy ang natagpuan sa isang safety deposit box sa loob ng hindi na muna tinukoy na hotel sa Bonifacio Global City .

Maliban dito, may nakita ring cocaine ang mga otoridad sa lugar.

Suportado naman ng search warrant ang pagsalakay, ngunit hindi na naabutan ang mga suspek sa lugar.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here