-- Advertisements --

Pinangunahan ni Department of Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang pagsasagawa ng inspeksyon sa 10 container vans na nasabat sa Subic Port kamakailan.

Nabatid na ang naturang container ay naglalaman ng mga smuggled agri product na paglabag sa batas ng bansa.

Ayon sa kalihim , ito ang pinakamalaking single seizure sa ilalim ng pagpagpapatupad ng bagong Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Batay sa datos ng Department of Agriculture, ito ay tinatayang nagkakahalaga ng P100 milyon.

Natukoy ang laman ng naturang mga container van na frozen mackerel, fresh yellow onions at carrots.

Aabot naman sa kabuuang 31 container van ang inalerto at posibleng umabot pa sa daan-daang milyong halaga ng mga smuggled agri products ang makukumpiska ng ahensya.

Nabatid na ang mga ito ay inangkat ng ilegal at malinaw na paglabag sa batas ng bansa.

Nakatakda ring isailalim sa pagsusuri ang naturang mga produkto at sa sandaling matukoy na mapanganib ito sa kalusugan ng tao ay kaagad itong ididispatsa.