Tinutulan ng abogado ng mga biktima ng war on drugs ang release plea ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ikalawang araw ng confirmation of charges hearing kaugnay sa kasong crimes against humanity.
Ayon kay Atty. Paolina Massidda, kinatawan ng libo-libong biktima, ang nasabin g anti-drug campaign ng nakaraang administrasyon ay hindi umano naglayong sugpuin ang kalakalan ng iligal na droga kundi naging pag-atake sa mga mahihirap na komunidad.
Ipinaliwanag ni Massidda na ang paggamit ng shabu sa mga low-income na lugar ay kadalasang nagsisilbing coping mechanism lamang ng mga residente dahil sa kawalan ng mental health services, sapat na edukasyon, at trabaho.
Iginiit niyang sa kabila ng laban sa mga drug dealers, ang mga pinaka-bulnerableng sektor ng lipunan ang naiipit sa kaguluhan at labis na naapektuhan.
















