Bumaba sa 12.20 meters ang water level sa Laguna De Bay kahapon, araw ng Lunes, at nananatili sa 12.50 meter critical-high threshold ayon sa Laguna Lake Development Authority.
Batay sa pinakabagong abiso ng ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), patuloy na nagpapakita ng tuloy-tuloy na pagbaba ang antas ng tubig sa Laguna de Bay.
Ilan sa mga naging obserbasyon ng ahensya ay ang banta ng El Niño phenomenon.
Nailalarawan ito ng kaunting pag-ulan at mas mataas na antas ng pagsingaw ng tubig sa buong nasasakupang lugar ng lawa.
Nagbabala naman ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring magdulot ang El Niño ng matagal na panahon ng tagtuyot, pagbawas sa suplay ng tubig, at matinding init sa ilang bahagi ng bansa.














